Thursday, February 5, 2015

That Thing Called Tadhana movie review




Tadhana. Do you guys believe in tadhana? How about soulmate?

I was watching Friends the other day when Pheobe asked Monica, Chandler and Rachel about their thoughts about soulmate. What do you think?

Suddenly showing na pala yung That Thing Called Tadhana movie! Last year ko pa to inaabangan! Poster palang I knew it would be a hit. Tapos just this Sunday, feb 1, I was watching tv while ironing my uniform. Cinema 1 keeps featuring this movie. So I told myself, I. MUST. SEE. THIS. MOVIE. THE. SOONEST! And within 3 days showing na nga siya! And yes, I watched it on its release day. Woohoo! :D

Before you continue I should warn you that this may contain spoilers, a lot of emotions and a whole lot more of hugot. So if you think that you will not be able to handle them, you can always press x and come back after you see the movie. J

One more thing, PLEASE DO NOT JUDGE ME.

Unang-una sa lahat, bakit nga ba sobrang gusto kong panoorin tong movie na to? As in soooooooooobrang atat na atat na akong mapanood to. Isa lang yan, alam kong sobra akong makakarelate. At yun nga! Tagos na tagos na tagos. Yung tagos na parang ginawa tong movie na to para sakin.

Opening palang ng movie, sapul agad. Sabi dun, “Para sa mga umibig at nasaktan ngunit umiibig pa rin, in short, tatanga-tanga.” Hello? Ako kaya si tanga! First year college? 1E1 days? Kung kilala niyo si Bobo Teng ako naman si Tanga Tinay. Remember? Basta yun J)

Ang daming hugoooooot. At advices on life. Oops lovelife pala. Paano kung wala kang lovelife makakarelate ka kaya? Simple lang daw yan. Magmahal ka para masaktan ka tapos winner ka na sa life. Makakarelate ka na.

One More Chance.
One big factor sa movie na to is yung pag feature nila ng One More Chance at binanggit pa siya ng maraming beses like hindi ka cool pag hindi mo pa to napapanood or napakaloser mo sa life kung hindi mo pa to napapanood. Yung lines ni John Lloyd na, “baka kaya may taong umaalis kasi baka mas may okay na darating at magmamahal sayo ng sobra.” Oh diba? Kaya kalimutan mo na yan! When one door closes two other doors open!

Baggage.
Sobrang bigat ng bagahe mo na parang buhat mo ang mundo mo. Kung hindi mo kayang iiwan at talikuran kung ano man ang nagpapabigat sayo, lalo ka lang mahihirapan. Pwede, sabihin mong kaya mo, pero, mabagal. Kaya, pero mabagal.

Baguio.
Lalo akong naexcite sa summer. Adventure days ahead nanaman! San kaya tayo papalarin ng summer ngayon?

Sagada.
Bundoooooooooooook! Inggit ako! Gusto ko rin magbundok! Pag may sama ka raw ng loob, umakyat ka ng bundok at isigaw mo lahat para gumaan loob mo. Hindi ko pa yan nattry pero gusto ko itry, pero kelangan ko muna ng bundok. Haha. Kaya please bundok please. :P

Travel.
Yun nga. From Italy to Manila to Baguio to Sagada. Sarap mag adventure lalo na kung biglaan.

Shooting star.
Pag may nakita kang shooting star anong iwiwish mo? Ako, sana bumalik ka na. Chos! World peace! Chos! Sana pumasa ako ng 2nd year med. At gusto ko rin pala mag-camping under the stars <3

Heart pierced through an arrow.
Sa movie kasi na to may ginawang short story sa Angelica, yung kwento ng isang heart at isang arrow. Ikaw ba naman isa kang arrow tapos biglang isang arrow may nakatusok na sayong puso, ang bigat nun diba. Hanggang sa masasanay ka nalang at gumagaan na yung puso. Parang pag-ibig diba? Hihi.

8 years.
Gano na kayo katagal ng boyfriend/girlfriend mo? 1 month? 2 years? 8 years? Sabi nila wala sa tagal yan. Pero kahit na anong sabihin nila, nasa pagsasama niyo pa rin yan. Pero bakit ba kasi sa hinabahaba ng pinagsamahan niyo eh iiwanan pa rin ng isang tao ang mahal niya? Ganun ba kadaling iwan ang taong mahal mo para sa iba? Ano nalang yung pinagsamahan niyo? Lokohan lang? Ganun? Langit-lupa o taya-tayaan? Pucha naman oh.

Tangina.
R13 o R18 ata tong movie na to, hindi ko gaano maalala eh. Ang dami kasing mura! Tangina ang sarap sabayan. Kasi naman nakaka-puta talaga ang pag-ibig.

Kamay sa tenga.
Pagnilalamig ka, pwede to. Salamat Tadhana! J

Where do broken hearts go.
Pucha buong araw ko atang kinakanta tong kanta na to. Malala maka-LSS. ”Where do broken hearts go, can they find their way home…And if somebody loves you, won’t they always love you.” Tangina kung kaya nga nilang kalimutan ka edi mas kaya mo rin silang kalimutan! Kawalan mo ba yung iniwan ka, mas kawalan nila diba?

Pag-ibig.
Buwan nanaman ng mga puso. Bakit pa? Para san pa? Pwede ka naman magmahal araw araw ah. Babaan mo na kasi yang pride mo dahil wala yang patutunguhan, pagsisisihan mo rin yan sa dulo. Kaya ako pucha bahala na! Come what may nalang!

Ending? Bitin! Haha. Sorry kung sa iba okay yung ending, sakin hindi! Sobrang nabitin ako. Gusto kong malaman kung anong nangyari after ipakita ni JM kay Angelica yung ginawa niya. Huhu.

Sorry po sobrang haba ng sinabi ko. Ang daming hugot ba? Sabi sayo eh. Pero hindi lahat yan base sa experience ko, yung iba lang naman hehe. Gusto ko lang din maglabas ng nararamdaman since love month naman diba? At promise me na HINDI NIYO AKO JINUJUDGE sa mga pinagsasabi ko. J Tao lang tayo, nagmamahal at nasasaktan.

Hello! Ano pang inaantay niyo? Nood na kayo! Nakakatawa siya ng bongga! Sobrang pampawala ng stress! Nanood ako ng volleyball bago nito at talo kami, pero nakalimutan ko lahat ng yung pagkatapos ko tong mapanood. Hindi siya yung parang One More Chance na nakakaiyak. More on advices siya and may konti ring kilig. Halo-halong emosyon talaga to. At sigurado akong hindi lang ako ang nakarelate ng bonggang bongga, malay mo ikaw rin.



Happy love month!

<3 Kristine

No comments:

Post a Comment